Unang Balita sa Unang Hirit: SEPTEMBER 3, 2024 [HD]

2024-09-03 1,656

Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 3, 2024

- Naga City, isinailalim sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha | Naga CDRRMO: Dalawa, patay sa pananalasa ng Bagyong Enteng | Klase sa lahat ng antas sa Naga City, suspendido
- 2, patay sa pagguho ng lupa; 4, sugatan | OCD-8: 19,856 na residente, apektado ng baha at landslide sa Eastern Visayas
- DepEd Sec. Angara: Mahigit 1 milyong laptops, at mga libro, kabilang sa mga gamit na 4 na taong nakatengga | Mabagal na paggasta ng DepEd sa pondo para sa mahahalagang gamit, sinita ng Kamara | P112.5 milyong DepEd confi funds sa ilalim ni VP Duterte, hindi raw alam ng DepEd officials kung saan ginamit | Mahigit P73 milyong confi funds na ginamit ng OVP noong 2022, hindi pumasa sa COA | OVP, magsusumite raw ng mga dokumento bilang tugon sa Notice of Disallowance ng COA
- 59 na pamilya sa Brgy. Mayamot, nananatili sa evacuation center dahil sa baha
- Magdamag na ulan at malakas na hangin, naranasan sa ilang bahagi ng Cagayan | No sailing policy, ipinatutupad sa Cagayan bilang pag-iingat laban sa Bagyong Enteng
- Ilang lumikas dahil sa baha, nananatili sa evacuation centers | Marikina CDRRMO: Mahigit 13,000 residente ang inilikas kahapon mula sa danger zones | Lokal na pamahalaan ng Marikina, namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng baha
- Pagpapabukas ng PNP sa emerald gate ng KOJC compound, inalmahan ng mga KOJC member | VP Duterte, naniniwalang wala na sa Davao City si Quiboloy
- Pagbangga ng China Coast Guard sa BRP Teresa Magbanua, inireklamo ng DFA sa China | Pagbangga ng China Coast Guard sa BRP Teresa Magbanua, pinag-aaralang idulog sa arbitral tribunal | Suporta ng AFP sa PCG sa Escoda Shoal, tiniyak ni Defense Sec. Teodoro | Philippine Navy: BRP Teresa Magbanua, patuloy na mananatili sa Escoda Shoal
- Binahang bahagi ng Brgy. Aniban 1, wala pa ring kuryente | Kabuhayan ng ilang residente sa Brgy. Aniban 1, apektado ng baha at kawalan ng kuryente
- Pinoy para swimmer Ernie Gawilan, 6th place sa 400-meter freestyle S7 finals sa 2024 Paris Paralympics | Para athletes Allein Ganapin at Agustina Bantiloc, tapos na ang Paris Paralympics campaign | Angel Otom, Cendy Asusano, at Jerrold Mangliwan, natitirang para athletes ng Team Philippines sa Paris Paralympics.

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.